Sunday 11 November 2012

DIY Binondo Food Wok #1

Last week, may tumawag sakin na nag-ooffer ng libreng healthcard. Ang catch: kailangan i-claim sa binondo office. I took that as a sign na kailangan ko nang maisakatuparan ang matagal ko nang pinaplanong binondo food wok.

Una kong napanood ito sa show ni Anthony Bourdain, kung saan gi-nuide sya ni Ivan ManDy around Binondo to discover the hidden food delights that the place has to offer. Nakakatakam. So agad kong kinontak sa ym si hubby, na agad namang pumayag nang marinig nya ang magic words: food trip.

Gumawa ako ng itinerary at nagsaliksik sa Internet para makabuo ng isang maayos na itinerary. Natawa ang asawa ko nang makita nya na alas otso ng umaga ang alis namin ng bahay. Yeah right, as if makakagising ako nang ganoon kaaga ng sabado. Di naman nagkabula ang salita ni hubby. Alas otso ako nagising.

Sa madaling salita, alas nueve kami nakaalis ng bahay. Sa tulong ng MRT, LRT, at jeep, alas diyes y medya ay nasa binondo na kami. Tinunton namin ang unang place sa listahan ko, ang Dong Bei Dumplings.

Madali naman namin nakita ang lugar at agad kaming pumunta sa maliit na kainan. Nadaanan pa namin ang maalamat na si Ivan kasama ang isang grupo ng itinotour nya. May hawak syang maliit na megaphone at nakaaliw silang pagmasdan.

Nabawasan ang pagkaaliw ko nang malaman ko na nireserve pala nila ang Dong Bei para sa grupo nila at di kami ma-aaccommodate pa. Apologetic naman sila manang dumpling maker (3 sila na dinatnan namin), sinabihan kami na bumalik na lang, mabilis lang naman daw ang grupo ng food wok.

Tingin sa listahan, next in line ang new po heng lumpia house. Eto, medyo nawala kami. Nalito ako sa numero ng mga establishments. Buti na lang magaling yung napagtanungan namin na manong guard. Nakarating din kami.

Pagpasok namin ng uysubin building, sabi ni hubby amoy Hong Kong daw. Di ako nakarelate since di pa ako nakatuntong sa HK. Pagdating namin sa loob ng may kalakihang kainan, umorder kami agad ng lumpia at mabilis naman itong naiserve samin. Nagtaas na nga pala ang presyo ng lumpia; mula P45 ay P50 na ang isa. Tig-isa kaming lumpia at iced tea na de-bote. Danyos: P130 pesos. Masarap naman yung lumpia, pero hindi ako na-amaze. IMO, mas masarap yung chinese lumpia sa SM hypermarket food court sa shaw, hehehehehehehe..... Basta, hindi ako na-overwhelm.

Bagong serve, mainit-init pa


with sauce
attack!


After that, naglagalag kami sa binondo, nag- Eng bee tin kami para makabili si hubby ng mooncake. Tapos hinanap namin yung sincerity kahit na hindi kami kakain doon. Nung papunta na kami ng dong bae, nadaanan namin yung ho-land "the best hopia ever," sabi nga ni hubby ko. Nakabili kami ng hopia at ma-chang dito.

Finally, nakabalik na kami sa dong bae. Umorder agad ako ng dumplings at yung xiao long pao. Mabilis lang din naserve. Dive in agad kami, steaming hot pa. Di naman ako nadisappoint. The best ang kuchay dumplings!

Sadly, nawala na ata yung photos. Vinideo ko pa nman yung steam from the just-made dumplings! Nag-order din kami ng xia long fan na shrimp. Yummy! Sabi ko dadaan ako para mag-uwi ng frozen kuchay pero nakalimutan ko. Sayang.

Part 2 coming up shortly!